Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kim Chino, nakikipag-usap pa rin sa mga ex?!
Kim Chino, nakikipag-usap pa rin sa mga ex?!
June 1, 2025

Sumabak sa isang makulet na challenge ang pinakabago nating oppa na si Kim Chino kasama si Basa Princess Raqi Terra kung saan nagkabukingan ng mga itinatagong lihim ang dalawa!

Sa video na ito ay tinanong namin si Raqi Terra at Kim Chino tungkol sa isa't isa, at very game naman nilang sinagot ang mga ibinato naming chika! 'Yun nga lang, na-reveal pa nga na iba't ibang tao pala ang inaawrahan nitong Kim Chino natin araw-araw! Luh! Ang matindi pa no'n, naibuking ni Raqi Terra na hindi pa rin daw nagbubura ng number ng ex ang ating oppa sa cellphone niya!

advertisement

Inamin naman ni Kim Chino na totoo ang mga sinabi ni Raqi Terra tungkol sa kanya. Single naman at very available ang ating oppa, kaya wala namang masama kung araw-araw siyang umaawra, 'di ba? Hahaha!

Mas makikilala mo pa si Kim Chino sa video na 'to kaya ano pang hinihintay mo, Kabisyo? Watch mo na 'to para hindi ka nahuhuli sa chika!

Para sa marami pang chika at nakakalurkei na balita, siguraduhin lang na lagi kang nakatutok sa Love Radio Manila!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...