Gong Xi Fa Cai, Kabisyo! Kumusta naman ang pagsalubong niyo ng Chinese New Year? Beke nemen! Pa-Tikoy naman kayo riyan. Charot with harot!
Sa mga panahong ito, nagkalat ang mga horoscope para sa mga Chinese Zodiac. Bagama’t ang iba ay hindi naniniwala rito, may ilan ding ginagawa itong gabay para sa kakaharapin nilang panibagong taon. Oh, hindi na para i-reveal namin kung ano ang Chinese Zodiac ng Love Radio DJs dahil matutumbok niyo agad kung ilang taon na sila. EME!
Kung sila kaya ang mag-de-decide kung ano ang mababasa nila sa horoscope, ano kaya ang ilalagay nila?
Angkol Dagol: Sana ngayong Year of the Horse, magiging daks na rin... ang kita... para bongga!
Tanya Chinita: Maka-quota ng lalaking mayaman.
Nicole Hyala: Ngayong Year of the Horse, sisipain ako ng sandamukal na pera.
Diego Bandido: Sana magka-bangs na ako kagaya ng horse and another thing is, mas dumami pa sana ang mapasaya at mahawaan namin ng sapak sa utak!
Mara Tonee: Career! Sana mas mabilis pang pumasok at tumakbo ang pera sa career ko! Also, health! Mas lumaki muscles at magka-abs na! Hahaha!
Kim Chino: Gusto ko po mabasa pangalan ng kakabayuhin ko this Year of the Horse po, opo. Ay... Kung sino po pala para sa akin this year.
Titan Gelo: Ang gusto kong mabasa sa horoscope ko ngayong Year of the Horse, ’yung health, s’yempre, kasi naniniwala ako na balewala ang lovelife, pera, at pagiging pogi kung mawawala ka rin sa mundong ibabaw!
Wala pa ba talagang tatapos ng single life ng Spicy Oppa natin? Kada may pagkakataong banggitin na jowang-jowa na siya, eh, kukunin. Ganyan na ba talaga kahina ang pandinig niyo para hindi mamansin? ’Chos! Anuman ang hiling ng puso niyo, sana matupad ’yan ngayong 2026, Kabisyo. Kung hindi man, eh, ’di bawi na lang next year. Hahaha! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!

