Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kim Chino, kaya raw tiisin ang lamig ng tubig basta may kasabay maligo?!
Kim Chino, kaya raw tiisin ang lamig ng tubig basta may kasabay maligo?!
January 29, 2026

Hindi lang naman siguro kami ang nakakaramdam nito, ’no? Daig pa ng Pilipinas ang naka-centralized aircon sa sobrang lamig ngayon. Hayaan niyo. Pagdating ng March, likod naman ng aircon ang mararanasan natin. Aray ko!

’Pag ganito, lugi ’yung mga walang kayakap sa gabi, eh. HUUUY! Lalo na ’yung mga trenta pataas na isang malaking pagsubok ang pagligo dahil sa panahon. Hahaha!

Ang tanong: naliligo pa nga ba? Marami kaming naaamoy, este, kilala na tamang hilamos, toothbrush, at pabango lang bago pumasok sa trabaho. Hindi namin sinasabing isa sa paborito niyong mga Kabisyo ’yan, ah? Pero ilang araw kaya ang pinakamatagal nilang walang ligo?

Angkol Dagol: Isang linggo kasi may lagnat ako no’n. Bawal daw maligo!

Tanya Chinita: 3 days siguro, kasi no’ng bata ako, sabi ng nanay at tatay ko, bawal maligo ’pag may lagnat. Nyi? Scam pala. Hahaha!

Conyo Bicolano: 1 week! Hahaha! ’Di naman ako lumalabas noon, eh!

Nicole Hyala: 1 hour and 2 days. Hahaha! No’ng nanganak ako, sabi, bawal maligo at baka mapasma. Ayun, 2 araw ako nagpapadede ng anak na amoy kanal. Hahaha!

Diego Bandido: Hmm... Siguro hanggang dalawa lang kaya ko. Hahaha! Dahil nawalan kami ng supply ng tubig. Kaya ang ginagawa ko, nakikikapit-subdivision ako para makaligo.

Mara Tonee: Mga 1 day and a half. Ito ’yung araw na nagpagawa ako... HAHAHAHAHA! Nagpagawa ng buhok! Rebond!!

Kim Chino: Wala! Araw-araw ako naliligo, pero mas dadalasan ko pa maligo kung may kasabay. Sabay tayo, mahal? HAHAHA!

Titan Gelo: Mga dalawang araw siguro. Sobrang lamig kasi tapos nasa bahay lang naman buong araw. “Mamaya na lang” hanggang sa kinabukasan na.

’Wag niyo silang husgahan at tawanan. Alam naming nagamit niyo na ang isa sa mga palusot na ’yan. Pero teka, hindi namin pwedeng palagpasin ang sinabi ni Spicy Oppa. ’Yun ngang hindi pa siya naliligo, fresh na. So, ’pag nakita ba natin siyang mas fresh pa, ibig sabihin ba no’n may nakasabay siya? Aba! Sabagay, ’pag may kasabay ka, makakatipid ka na, may taga-sabon, este, taga-abot ka pa ng mainit na tubig at tuwalya. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...