Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kim Chino, hindi raw pinili ni Tanya Chinita para maging DJ noon | TitamaX Episode 23
Kim Chino, hindi raw pinili ni Tanya Chinita para maging DJ noon | TitamaX Episode 23
February 12, 2026

Dati, naniniwala kaming hindi ibinibigay ni Lord ang lahat… pero no’ng nakilala namin si Kim Chino, napaisip kami—baka nga may mga paborito Siya. Hahaha!

Wala pang isang taon bilang radio DJ, pero marami na agad na-fall kay Spicy Oppa. Sabi na nga ba, delikado talaga kapag chinito. HUUUY! Gets naman namin kayo—gwapo na, matipuno pa. Kaya nga pati si Tanya Chinita, parang gusto na rin siyang chu… mika! Hindi lang puro face card ang ambag nito, ha? Ilang taon din siyang naging HR Business Partner ng isa sa mga leading fast food chain sa bansa, kung saan siya ang takbuhan kapag may mga problema sa opisina.



Sumunod nito, pinasok niya na rin ang mundo ng content creation bilang Kevin Sy, pero kahit naging matunog na ang pangalan niya sa social media, hindi pa rin nawala ang pangarap niyang maging radio DJ. Fun fact: Dati siyang intern ng Love Radio Manila. Kaya nang malaman niyang naghahanap ng sugar daddy, este, male DJ, si Tanya Chinita, hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon.

Hindi pa nga niya sinabi sa audition na may solid following siya online. Gusto niya raw kasing mapili dahil sa talent at hindi dahil sa clout niya. Plot twist? Hindi pala siya ang first choice ni Tanya Chinita dahil si TitamaX, sa “baby boy” tumaya. ’Yan tayo, eh! Hahaha!

Akala namin, may napili na, pero mukhang hindi pa rin tapos ang audition niya. Nasubok ang kanyang conflict resolution skills sa TitamaX confession sender nating si Andrea, na patuloy pa rin daw nakikipagkita at nakikipagbembangan sa ex niyang may asawa na—umaasang siya pa rin ang pipiliin sa huli. Buti na lang at hindi na siya HR dahil muntik na talagang uminit ang ulo ni Kim Chino!

Pagkatapos uminit ang ulo sa taas… aba, pati yata ang ulo sa baba, napainit din sa Tough 5 questions ni Tanya Chinita! Kaya siguraduhing mahina ang volume o naka-earphones kayo, dahil pinagbigyan tayo ni Spicy Oppa sa fantasy nating marinig kung gaano siya kaingay… makipagkuwentuhan.

Certified ChinoPops ka ba? Kung oo, para sa’yo ang episode na ’to:








Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...