Naging bunot ng mga Kabisyo natin ang vlogger na si Bea Borres matapos siyang gumawa ng reunion content kasama ang ex-boyfriend niyang si Meray Yamada. Pati nga ang best friend niyang si Andrea Brillantes, hindi rin approved sa ginawa niya.
Marami nga ang napa-“huh?” Pero ayon kay Bea, for views at content lang naman daw, kaya dead is ma siya sa hanash ng mga utaw!
Dahil gusto nating itodo ang pakikisawsaw, tinanong din namin ang paborito niyong mga Kabisyo kung willing ba silang gumawa ng content kasama ang mga ex nila.
Titan Gelo: Short film. Gagawa kami mga datingang Popoy at Basha!
Raqi Terra: Hindi na ako makiki-content kasi contento na ako sa life ko without him. Charot with harot!
Kim Chino: Can’t say no challenge para papalibre ako at ma-refund ko ’yung mga nagastos ko sa maling tao. Sa kanya!
@djkimchino 3PM to 6PM, daan ka sakin sa 90.7 @Love Radio Manila ♬ original sound - Kim Chino
Mara Tonee: Kung reunion content lang naman, why not? Pero depende sa ex—kung peaceful naman ang ending at pareho kayong mature enough to laugh about the past, baka game. Pero kung puro unresolved issues at trauma ang dala, pass na lang. Hindi lahat ng ex kailangan i-reunite… minsan closure na talaga ang best content.
Tanya Chinita: Jojowain o trotropahin. Hahaha!
Angkol Dagol: Basta ’wag lang bembang, anything pwede... like cooking!
Kabisyo, alin kaya sa mga content idea nila ang may pinakamalaking chance mag-viral? Parang bet namin ’yung naisip ng Spicy Oppa natin, ah? Lintik lang ang walang ganti sa mga eacake na ginawa siyang $ugar daddy. ’Chos! 😂
Pero seryoso, siguraduhin niyo lang na forda clout lang at hindi forda comeback, okay? Buti pa sina Broskie at Basa Princess—nag-pass na kasi alam nilang marupok sila. HUY! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!

