Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kim Chino, handang gumastos para sa maling tao?!
Kim Chino, handang gumastos para sa maling tao?!
September 4, 2025

Hulaan namin, mga Kabisyo! Puro “nepo baby” ang laman ng news feed niyo, ‘no? Hahaha! Nagsilabasan kasi ang mga anak-mayaman dahil sa sunod-sunod na issue tungkol sa kanila. Maraming netizens ang pumansin ng kanilang bonggacious at nakakalurkei na lifestyle na nanggaling sa yaman ng kanilang magulang. Iba talaga kapag ipinanganak nang may gintong kutsara sa bibig! Kung ano-ano na lang talaga ang binibili. Ang tanong, kung ang mga Kabisyo DJ kaya natin ay galing sa mayamang pamilya, ano kayang pagkakagastusan nila? Saan nila ibubuhos ang yaman ng mga nanay at tatay nila?

Tanya Chinita: Sa charities and schools! Hahaha! Gusto ko magka-legacy sa Earth habang nabubuhay. Thank You, Lord! Sana totoo!

advertisement

Angkol Dagol: Bibili ako ng submarine para ‘di ako mahirapan ‘pag bumaha. 🥴

Diego Bandido: Magpapalagay ako ng dread locks na may gold! 🤭

Kim Chino: Sa maling tao ko gagastusin, lalo na kung ‘yung pera ay nakuha sa maling paraan. ‘Di nakakapanghinayang. HUUYYY! CHAR LANG! 🥺🙊

Raqi Terra: Magtatayo ako ng mga negosyo para kung sakali mang may dirty money ang magulang ko, p’wede kami maligtas thru my businesses. Charot with harot!

Titan Gelo: Itutulong ko sa mahirap para umiikot naman kahit papaano ang pera! 🤣 Hindi lahat napupunta sa bulsa namin. 😂

Billionaire mindset pala ang iba nating Love Radio DJs, eh. Baka totoong mayaman na pala ‘tong mga ‘to, ‘no? HAHAHA! Charot with harot lang, mga Kabisyo. Basta tandaan lang natin na ang perang galing sa bayan, hindi lang pang-mayaman! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? BASIC!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...