Wala pa mang Noche Buena, pero binusog na tayong lahat ni Kim Chino! ChinoPops, mag-ingay kung napanood niyo na ang ayuda mula sa Spicy Oppa!
16 seconds lang ’tong ‘Panis ka boy’ video ng Mahal natin, pero bakit parang umabot ng 3 hours ’yung sa’min? HUUUYYY!
’Yung ang angas ng tugtog, tapos ginano’n lang tayo ni Kim Chino?! Sanay naman na tayo sa mga pa-cute niya, pero aminin niyo, hindi kayo prepared sa pagtirik, este, pagpikit ng mga mata niya. ’Chos!
Mapa-bata o matanda, lahat nauga! Para tuloy silang sabay-sabay na nag-ovulate sa comment section. Hahaha! Aba, kung ito ang pamasko sa’tin ng Spicy Oppa, eh, sana damihan niya pa!

