Sa panahon ngayon, parang obligasyon na ng mga artist na maging “content creator” para laging trending. Pero ang up-and-coming artist na si SHANNi, iba ang diskarte. Inamin niya sa Hangover na mas pinipili niyang mag-offline para protektahan ang kanyang peace of mind.
Kahit maraming fans ang nag-aalala na mahina ang online presence niya, pinaliwanag ni SHANNi na rito siya nakakakuha ng inspirasyon para makabuo ng magagandang kanta.
“Sometimes kasi, I take a break on social media and then, usually when I take a break, doon ako gumagawa ng songs. Then, after I do my own thing, doon ako gumagawa ng content, that”s why mas active ako sa TikTok.” Dagdag pa niya, nakaka-distract din daw ang sobrang screen time kaya mas gusto niyang mag-focus sa tunay na buhay.
Paalala ito ni SHANNi na hindi kailangang laging “active“ online para maging successful. Minsan, ang kailangan mo lang ay isang malalim na hinga at sapat na pahinga. Panoorin ang full interview nila sa YouTube channel ng Hangover!

Kapatid ni Blaster Silonga na si SHANNi, mahihirapan nga bang sumikat dahil tahimik sa social media?
