advertisement
Sundan ang kuwento ni Aiah rito sa Raqi's Secret Files.
Kabit ako ng kabit ko - Raqi's Secret Files
Itago mo ako sa pangalang "Aiah." I'm 26 years old from Bulacan at ito ang aking Secret File.
Christmas party of 2023, may nakilala akong lalaki na itago natin sa pangalang "John." Nakilala ko siya dahil ka-branch namin siya. Unang kita pa lang sa'kin ni John, may something na. Matagal siyang tumitig sa'kin. Nakipag-shake hands pa nang matagal sa'kin. HR staff ako before at siya naman ay nasa production. That time, masasabi ko na "Cute 'tong taong 'to," pero siyempre hanggang doon lang 'yun since mayroon akong karelasyon at hindi naman ako interesado kay John.
