Copyright ©2026 LOVE RADIO
Julie Anne San Jose, muntik na nga bang mag-quit noong 2025?
Julie Anne San Jose, muntik na nga bang mag-quit noong 2025?
January 10, 2026

Kung may perfect description para sa nag-iisang Julie Anne San Jose, ’yan ay paniguradong “perfect package.” Kaya naman, marami ang nagulat sa naging rebelasyon niya sa Hangover kamakailan. Inamin ng Asia’s Limitless Star na naging malungkot at mahirap para sa kanya ang taong 2025.

Kwento ng singer-actress, dumaan siya sa isang “spiraling” moment kung saan bigla na lang siyang nawalan ng gana sa trabaho. May mga panahong gusto raw niyang magsimula ng isang bagay, pero hindi niya magawa, hanggang sa unti-unti siyang nawalan ng motivation.



Mas mabigat pa raw ang pakiramdam na parang napag-iiwanan na siya ng panahon. “’Yung feeling na ang dami nang nangyari tapos naiwan ka na. I hated that feeling,” tapat niyang sinabi. Kahit ayaw niyang mapunta sa ganitong estado, kinailangan pa rin daw niyang daanan at iproseso ito para makausad.

Ngayon, mas malinaw na ang direksyon niya. Sa bagong single niyang “Simula,” in-embrace niya ang pagiging indie artist—mas malaya, mas personal, at mas siya. “I had to step out of that. And then I am glad that I did,” dagdag ni Julie.

Alam naming mukhang manika si Julie Anne San Jose, pero patunay lang ’to na tao rin siya. Tulad natin, nadadapa, pero ang importante, bumabangon at nandudurog. ’Chos! Panoorin ang full interview niya sa YouTube channel ng Hangover!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...