Copyright ©2026 LOVE RADIO
Janine Berdin, inanunsyo ang kaniyang kauna-unahang concert
Janine Berdin, inanunsyo ang kaniyang kauna-unahang concert
July 28, 2026

Alam naming hindi lang kami ang napaisip din kay Ex no'ng narinig namin ang kantang 'What if I miss you for the rest of my life?' ni Janine Berdin, Kabisyo! Ngayon, puwedeng-puwede na tayo mag-yearn nang sabay-sabay sa paparating niyang concert.

Sa kaniyang social media accounts, inanusyo ng singer na gaganapin na ang kaniyang unang concert. Mangyayari ito sa The New Frontier Theater sa October 7.

Bukod sa chinika ni Janine na sa July 30 ng 3 PM magsisimula ang bilihan ng tickets, nag-aabang na rin kami kung may mga pasabog pa siya sa concert, pero dahil ikaw na 'yan Janine, alam naming mayroon. HAHAHA!

Unang nakilala ang pangalang Janine Berdin matapos siyang tanghalin bilang Tawag Ng Tanghalan Season 2 grand champion sa noontime show na It's Showtime.

Kaya kung sinubukan mo na ring abutin ang "Aaaahhh Aaahaayaayay" sa kanta ni Janine, mag-ipon ka na, Kabisyo!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...