Copyright ©2026 LOVE RADIO
Ivan Dilema, inilantad ang tunay na kaharutan sa TitamaX Podcast!
Ivan Dilema, inilantad ang tunay na kaharutan sa TitamaX Podcast!
January 23, 2026

Kung naguguluhan kayo kung bakit "pambansang mima" ang tawag kay Ivan Dilema, hindi kayo nag-iisa! Sa latest episode ng TitamaX, hinalungkat ni Tanya Chinita ang buhay ng viral content creator na mas maharot pa sa kanya ang mga videos pero "straight na straight" naman pala sa totoong buhay.

Sa simula pa lang, diretsahan nang tinanong ni Titamax si Ivan kung straight ba siya. Ang sagot ni koya? "Straight... straight sumubo!" Hahaha! Pero charot lang daw ‘yun dahil ang pambansang mima natin ay may asawa IRL at ang kanyang online persona ay bunga lang ng kaharutan, pagiging dancer at paglaki kasama ng apat na kapatid na babae.

advertisement

Oo, hindi ka nagkamali ng basa! May asawa talaga 'yan siya! Hahaha! Ang chika pa nga, eh, sa Tinder nahanap ni Ivan ang kanyang "The One!" Hindi pa raw sikat no'n si Ivan pero along the way, eh, ang asawa niya ang kanyang naging Number 1 Fan! Ni hindi na-turn off sa mga kaharutan niya sa social media!

Pero sa kabila ng makulit na persona, eh, isang responsible husband naman daw itong si Ivan. Siya ang nagkumbinsi sa asawa na mag-resign sa BPO para ituloy ang pag-aaral, habang siya ang rumaraket sa social media.

Siyempre, hindi nakaligtas ang pambansang mima natin sa Tough 5 ni Tanya Chinita. Matapang naman niyang sinagot ang mga tanong na ni TitamaX kahit kaharap mismo ang kanyang asawa. May say rin si Ivan sa TitamaX Confession na binasa ng ating Pambansang Tita! 'Yan ang mga dapat mong alamin kaya panoorin mo na ang buong episode ng guesting ni Ivan Dilema sa TitamaX Podcast!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...