advertisement
Masyado ako nasiyahan sa buhay na mayro’n ako. Nakakalimutan ko nang alalahanin ang pamilya ko, ‘yung pagiging maka-Diyos ko, at higit din sa lahat ‘yung mga taong nakatulong sa akin noong panahon na walang-wala pa ako.
Sundan ang kuwento ni Mike dito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Isang maling desisyon ang nagpabagsak sa aking buhay! - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo na lang po ko sa pangalang “Mike,” 33 years old, isang negosyante na nalulong sa ipinagbabawal na gamot. 25 years old po ako noong nag-start ako sa e-commerce, at sobrang lakas po ng kitaan ko doon. Tipong bibilhin ko ng 400 pesos ‘yung item, tapos mabebenta ko siya ng triple sa presyo ng pagkakabili ko. Kaya doon ko po talaga masasabi na easy money—ang dali po talaga ng pera.
