Copyright ©2026 LOVE RADIO
Isang kalbo, pasimuno raw ng habulan sa Love Radio?!
Isang kalbo, pasimuno raw ng habulan sa Love Radio?!
May 14, 2026

Nasa running era na ba ang lahat?

Dumarami yata ang napapanood naming tumatakbo, pero sa dinami-rami ng lugar, bakit naman sa hagdan niyo pa napiling maghabulan? ’Yung totoo? Gusto niyo bang matulad kay Nicole Hyala? Hahaha!

Itong si Diego Bandido, akala mo walang sakit sa puso kung makakaripas ng takbo. Sa sobrang competitive niya, pati “Ang mahuli, may t@e sa pw3t,” sinalihan niya!



Mukhang dapat nang kabahan ang Daldalerang Atleta sa tulin ng Kumikinang Ulo. Maliban sa pera, ano pa kayang ibang dahilan para mapatakbo ang paborito niyong mga Kabisyo?

Tanya Chinita: Hinabol ako ng MMDA kasi coding. Hindi ako makatago. Hahaha! Una, galit tapos “Hello, Ma’am” kasi nilalabas ko talaga eded ko.

Angkol Dagol: Kung hahabulin ako ay malamang kalaban sa basketball dahil hawak ko ang ball. Magtatago na lang ako sa likod ng muse!

Mara Tonee: Sa pagiging sobrang ganda! Charot! Hahahahaha! Sa fun run ako magtatago para hindi ako mahabol. May reg fee, eh. Hahaha!

Kim Chino: Hahabulin dahil sobrang lambing ko. Ex ko nga hinahabol ako, eh, pero ’di ako mahilig magtago. Puntahan na lang ako sa bahay. Haha!

Raqi Terra: Sa kadahilanang... masarap ako tapos magtatago ako sa maleta para feeling valuable!

Titan Gelo: Hahabulin ng mga chicks! Magtatago na lang ako sa ibang bansa para wala nang problema. Hahaha!

Kung tatakbo kayo, siguruhin niyong para lang sa ehersisyo. Hindi para tumakas sa kung anumang atraso. Charot with harot! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...