Copyright ©2026 LOVE RADIO
Isang kadete, nagtapos bilang Class Valedictorian matapos sumubok ng tatlong beses sa paaralan
Isang kadete, nagtapos bilang Class Valedictorian matapos sumubok ng tatlong beses sa paaralan
July 19, 2026

Isang full-circle moment ang naging buhay ng kadete na si M/1CL Mark Owen Trilles. Matapos kasing hindi makapasa sa entrance exam ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa unang dalawang beses niyang pagsubok, nagtagumpay siya sa kanyang third attempt at nagtapos bilang Valedictorian ng Salighirang Class of 2026!

“Ironically, one of the best things that ever happened to me was failing. Three attempts and multiple operations, that is how much I wanted to join PMMA,” sabi ni Trilles sa kanyang graduation speech.

advertisement

Isang mahigpit na yakap naman ang natanggap ni Mark mula sa kanyang pamilya, at bumuhos ang luha sa saya ng kanyang ina matapos ang graduation ceremony.

Bukod sa kanyang pagpupursigi bilang scholar ng Philippine Coast Guard, nakakatuwa ring malaman na naging valedictorian din ng parehong paaralan ang kanyang ama noong 1993! Like father, like son ang atake!

Isa si Trilles sa 327 kadeteng nagtapos nitong Biyernes sa Zambales, na dinaluhan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos bilang guest of honor at speaker. Congratulations at mabuhay ka, Kabisyong Mark!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...