Taong 2021 nang tamaan ng Covid-19 virus ang asawa ni Maureen Gamatan, dahilan ng pagpanaw nito at tuluyang pagkabalo ni Maureen. Dahil dito, naging isang 2-in-1 parent si Maureen–ang haligi at siya ring ilaw ng tahanan sa kanilang tatlong anak. Sa hirap ng buhay, kinapos na rin siya sa pondo para matapos ang pagpapatayo ng bahay nilang mag-asawa.Nalaman ni Maureen sa kanyang mga kamag-anak na may maaasahang tulong na makukuha mula sa kanyang community bank. Hindi na niya kinailangan ng co-maker para makahiram ng pera at kayang-kaya niyang bayaran monthly ang ni-loan na pera. Nakapagpundar din siya ng sari-sari store para sa dagdag pangtustos nila sa araw-araw.
advertisement

Naging partner ni Maureen ang kanyang bangko para maibigay ang tanging pangarap ng yumaong asawa—magandang kinabukasan para sa mga anak nila. Ngayon, sila ay may maayos ng tahanan at nadagdagan pa ang income sources ng pamilya. Nakatulong ang pagiging approachable ng mga account officers ng bangko sa kanyang desisyon na mag-loan at maabot ang kanyang pangarap.
Isang reminder si Maureen sa ibang single parents na meron kang katuwang at maaasahan sa inyong community bank, BDO Network Bank.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa products and services ng BDO Network Bank, bisitahin ang kanilang official website, Facebook page, o ang pinakamalapit na branch.

