Kung ang ibang mag-jowa diyan ay mahilig sa soft launch at lowkey lang ang peg para kunwari mysterious, ibahin niyo ang pangmalakasang boyfriend na si Reymard Magnifico dahil hindi lang niya basta ipinagmamalaki ang jowa niya—ipinagsisigawan pa niya ito sa buong barangay! Sa isang nag-viral TikTok video ni Reymard, kinilig at nalurkei ang netizens nang mai-spot-an si Reymard habang hinihintay na makasakay ng jeep ang magtatatlong taon na niyang girlfriend na si Jenna. Imbes na simpleng "bye" o kaway lang, mala-megaphone ang atake ni kuya mo sa dami ng paalalang mag-ingat at sa walang-humpay na "Mahal na mahal kita, Jenna!" na dinig hanggang kabilang kanto! Si ate mo Jenna naman, halatang confused kung kikiligin ba siya o gusto na lang magpalamon sa lupa sa sobrang hiya—yung tipong mapapaisip ka kung nagpanggap na lang ba siyang hindi niya kilala ang lalaking sumisigaw sa labas ng jeep!
Hindi naman ito for the clout o for the views lang. Ayon kay Reymard, natural na natural na sa kanya ang ganitong level ng ka-sweet-an at nakasanayan na talaga niyang magpaalam nang may kasamang public announcement kaya laking gulat din nila nang biglang pumutok at mag-viral ang kanilang video. Kahit daw madalas tinatablan ng hiya si Jenna kapag inaatake siya ng pagiging extra expressive sa harap ng madlang Kabisyo, tuloy pa rin ang ligaya ng magkaibigang nauwi sa magka-ibigan. Sa sobrang tamis ng dalawang ito, pati kami dito pinagpipiyestahan na ng mga langgam! Para kay Reymard, simple lang ang rason kung bakit todo-bigay siya sa pagpapakita ng pagmamahal: "Minsan lang tayo mabuhay sa mundo kaya iparamdam na natin nang todo 'yung pagmamahal natin sa kanila."
Kaya mga Kabisyo, kung mag-jo-jowa rin lang kayo, itaas na natin ang standard at huwag mag-settle sa bare minimum! Dapat ang hanapin niyo ay 'yung mala-Reymard na proud na proud kang ipagsigawan kahit sa gitna ng terminal ng jeep, hindi 'yung itinatago ka na parang sikretong malupit. Kasi kung tinatago ka pa rin hanggang ngayon at ayaw ipagsigawan ang pangalan mo, naku—baka hindi lang siya mahiyain, baka may tinatagong iba o may kabit na pala! Charot with harot!

