advertisement
Chika ni Glaiza, ang uploader ng video, Wi-Fi lang talaga ang bibilhin niya para sa pamangkin niya. Pero habang nasa mall, napadaan siya sa isang phone stall. Naisipan niya na regaluhan na rin ang kanyang kuya! Nakakalurkei ang pagmamahal forda family, ‘di ba?
“Naiyak na siya sa sobrang tuwa. Hindi niya po in-e-expect na bibilhan ko siya kasi nga nagtitiis sila ng anak niya sa phone na luma, tapos sharing din sila,” sabi Glaiza.
Buti pa si Glaiza, mabait na kapatid. Eh, ‘yung iba riyan? Charot with harot lang! Baka may matamaan!
Isang babae, napaiyak ang kuya niya dahil sa surprise gift niyang bagong cellphone
Mapapa-”Sana all!” ka na lang talaga dahil sa trending video na ito! Usap-usapan ng mga Kabisyo natin online ang surprise gift ng isang netizen. Kita kasi sa video niya na naiyak ang kaniyang kuya dahil niregaluhan niya ito ng brand-new cellphone!
