Copyright ©2026 LOVE RADIO
Isang babae, muling nakalakad matapos ang sampung taon!
Isang babae, muling nakalakad matapos ang sampung taon!
October 10, 2025

'Pag nasa tama talaga ang paggamit ng teknolohiya, napakaraming natutulungan!

Nag-viral ang isang video ni Jessica Tawil kung saan ipinapakita ang muli niyang pagtayo at paglakad gamit ang isang advanced na mobility machine.

advertisement

Sampung taon na ang makalipas mula no'ng ma-paralyze si Jessica sa isang aksidente sa sasakyan. Matapos ang maraming tests, pasok ang kanyang kwalipikasyon sa Exoskeleton treatment!

@jesstawil

I never thought I’d get to relive a moment like this again. What started as something terrifying turned out to be the experience of a lifetime. For the first time in ten years, I saw 16-year-old Jess again—so much of her still alive within me, yet shaped by everything I’ve lived through since. Different, yes—but stronger, softer, and more grateful than ever. 🤲🏼🤍

♬ Sunset Lover - Petit Biscuit

Umani ng mahigit 322 million views ang TikTok video niya at napuno ng suporta mula sa iba't ibang netizen ang kanyang comment section. Marami ang naging emosyonal sa sitwasyon niya marahil makikita sa video kung gaano kagulat si Jessica na ang dating palaisipan lang, ngayo'y nagagawa niya na.

Nakakaiyak naman ang nangyari kay Jessica! Dito niyo talaga masasabi na gow lang nang gow dapat sa buhay, Kabisyo! Matutupad din ang mga pangarap natin sa tamang panahon. Sa ngayon, tuparin mo muna 'yung pangako mong magbayad ng utang. Charot with harot!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...