advertisement
Isang gabi, nag-inom siya at naiwan niya ang cellphone niya. Dito ko na nakita ang katotohanan. Lahat ng mga naka-save sa gallery niya ay puro larawan ng lalaki. ‘Yung pera na ibinibigay ko sa boyfriend ko ay ibinabayad niya pala sa lalaki for sex.
Sundan ang kuwento ni Jessica rito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Ipinambabayad niya sa lalaki ang perang binibigay ko - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo ako sa pangalang “Jessica” at ito po ang aking Secret File. Mayroon akong boyfriend na itago na lang natin sa pangalang “Roger.” Ulila na siya at kaawa-awa talaga ang lagay niya, kaya kumayod ako nang kumayod para mabigyan lang siya ng pera. Ako ang naging katuwang niya sa lahat. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay parang nagiging sugar mommy niya ako, pero mahal ko kasi, eh.
