advertisement
Napagdesisyunan ko na maghiwalay na lang kami, at tinanggap niya naman ‘yun agad. Isang araw, nagulat ako sa nalaman ko. Ito na pala ang sasagot sa maraming katanungan sa utak ko. Notebook, Passbook, Medical Results—ito ang mga nakita ko na siyang nagpahina ng tuhod ko. Binasa ko ‘yung isang entry sa noteboook: “January 12, 2023. Confirmed Stage 4 Leoblastoma Brain Tumor.” Diary pala ‘yun ni Kara.
Sundan ang kuwento ni Mark dito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.
Iniwan niya ako pero huli na ng malaman ko ang dahilan - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo ako sa pangalang “Mark” at ito po ang aking Secret File. Limang taon kaming nagsama ni Kara. Sa simula, masaya, pero, nitong huli, naging impyerno ang buhay namin. Naging malamig si Kara sa pakikitungo niya sa akin—mainitin ang ulo, iritable, at lagi siyang pagod. Naging sobrang kuripot din siya. Ang suweldo niya bilang nurse, hindi ko na nakikita. Ayon sa kaniya, tinatabi niya, pero wala naman kaming naipupundar.
