Copyright ©2026 LOVE RADIO
Ice Seguerra, ilalabas ang bagong album na ‘Being Ice’ ngayong August
Ice Seguerra, ilalabas ang bagong album na ‘Being Ice’ ngayong August
June 24, 2025

Ready na ba kayo, mga Kabisyo? Matapos ang sampung taon, maglalabas na si Ice Seguerra ng bagong album! Sa isang social media post, shinare ng singer-songwriter ang paparating niyang ‘Being Ice’ album. Abangan niyo na dahil ilalabas na ito sa August 8, 2025 sa ilalim ng Star Music at Fire & Ice Productions!

advertisement

“All original. 10 years in the making. From becoming to BEING,” sabi ni Ice. Kasabay nito, ibinahagi rin niya na i-re-release na sa June 28 ang ‘Shelter of the Broken,’ ang unang single mula sa album: “In writing this song, I found a kind of peace. I realized that brokenness isn't the end—sometimes, it's where healing begins. ‘Shelter of the Broken,’ this June 28 on all music streaming platforms.”

Ang ‘Being Ice’ ang kauna-unahang full album ni Ice sa loob ng halos isang dekada, matapos ang ‘Araw Gabi: Mga Awit ni Maestro Ryan’ noong 2015, at ‘Perhaps Love’ noong 2010.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...