advertisement
Sundan ang kuwento ni Nene rito sa Raqi's Secret Files with Titan Gelo.
Hinusgahan dahil sa kuko, hindi dahil sa puso - Raqi's Secret Files
Hi, DJ Raqi at DJ Gelo. Itago niyo ako sa pangalang "Nene" at gusto ko lang ibahagi ang kuwento ng isang babaeng nagmahal nang buo, hindi lang sa lalaki, kun'di pati sa pamilyang kailan man, eh, hindi pala ako lubusang tatanggapin. Ito ang aking Secret File.
May boyfriend akong marino. Minahal ko siya kahit dalawang linggo pa lang siyang nanliligaw. Matagal na niya akong gusto. Anim na taon mula no'ng una ko siyang i-reject. Sa panahong 'yun, eh, naging sila ng isang babae. Itong babaeng 'to ang naging long-term girlfriend niya, pero ex na niya. Kaya nang niligawan niya ako, ang sabi niya sa akin, matagal na silang wala. Siya raw ang laging nasasaktan. Ako naman naniwala dahil mahal ko siya.
