Copyright ©2026 LOVE RADIO
Hindi ko pa rin siya nakakalimutan, ang TOTGA ko! - Raqi's Secret Files
Hindi ko pa rin siya nakakalimutan, ang TOTGA ko! - Raqi's Secret Files
June 27, 2025

Hi, DJ Raqi! Itago mo na lang ako sa pangalang "Bus." Oo, parang bus sa terminal, pero english word at ito, ang aking Secret File. First year high school ako no'ng unang beses kong nakita si "MK." Pagkakita ko sa kanya, parang tumigil ang mundo ko. Biglang nag-slow-mo ang lahat. Parang biglang kami lang ang tao sa buong paaralan. 'Yung ngiti niya, OMG, DJ Raqi, parang matutunaw ako.

Pogi siya, charming, at talagang kikiligin ka. Dahil sa kanya, naging certified stalker ako. Araw-araw akong dumadaan sa canteen malapit sa banyo para lang masilip ang classroom nila. Simpleng pasulyap-sulyap lang sa kanya, buo na ang araw ko. Gano'n katindi ang tama ko, then pagdating ng second year, naging kaklase ko ang ate niya. Doon nagsimula ang lahat, naging close kami ng ate niya. Sa hindi ko inaasahang pangyayari, naging close din kami ni MK.

advertisement

DJ Raqi, ramdam ko noon na may something na para bang may gusto rin siya sakin. Alam mo naman tayong mga babae. Minsan, dama naman natin agad, 'di ba? Pero isang linggo lang ang lumipas, nalaman ko na may nililigawan na pala siya at hindi lang 'yun—sila na. Ang sakit, DJ Raqi, pero mas masakit nang malaman kong pustahan lang pala.

Sundan ang kuwento ni Bus dito sa Raqi's Secret Files.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...