Copyright ©2026 LOVE RADIO
‘HATID SAYA’ libreng concert ng Love Radio, gaganapin na sa Quezon City
‘HATID SAYA’ libreng concert ng Love Radio, gaganapin na sa Quezon City
November 6, 2026

Mula Manila, Muntinlupa, hanggang San Juan, at ngayon naman, Quezon City! Tuloy-tuloy ang pag-iikot ng Love Radio Manila para mag-Hatid Saya sa mga Kabisyo ngayong papalapit na ang Pasko. Ngayong buwan, Q.C. naman ang bibisitahin natin para sa isang gabing puno ng kantahan, sayawan, tawanan, at s’yempre, exciting na mga sorpresa!

Kaya naman, mga Kabisyo nating QCitizens, markahan na ang inyong mga kalendaryo! Sa Saturday, November 21, 6:00 PM, magkita-kita tayo sa Asamba Park Covered Court, Baesa, Quezon City, para sa HATID SAYA LIBRENG CONCERT!

S’yempre, hindi mawawala ang mga artistang siguradong magpapasaya sa atin! Ready na ba kayong sabayan ang hit songs ng Aegis tulad ng Halik, Luha, at Basang-Basa sa Ulan? Makiki-rock out din tayo sa powerhouse performance ng 4SISTERS, formerly 4th Impact, sa kanilang kantang Unleash the Diva. May kakaibang musical flavor namang hatid ang Mei Mei sa Alembong, habang siguradong may kilig at nostalgia tayong mararamdaman sa performance ni Jojo Mendrez ng Magkabilang Mundo.

advertisement

At teka, hindi lang music at entertainment ang aasahan natin! May chance din kayong manalo at makapag-uwi ng bonggacious na papremyo tulad ng bigas, cash, appliances, cellphone, at marami pang iba! May exciting games at raffle draws din, kaya siguradong mas masaya ang gabi kasama ang inyong paboritong Love Radio DJs!

Tandaan, mga Kabisyo, walang bayad ito, kaya kita-kits tayo sa Q.C! Dahil saan man mapunta ang Love Radio Manila, laging may Hatid Saya para sa inyong lahat!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...