Sa panahon ngayon, hindi na lang multo, aswang, at iba pang nakakatakot na nilalang ang kinatatakutan natin. Minsan, mas pipiliin mo pang makakita ng demonyo kaysa makitang zero ang laman ng wallet mo o kaya nama’y makain ng aswang kaysa lokohin ng jowa. At least, sa aswang, isang beses ka lang matatakot. Sa cheater, paulit-ulit ang trauma! Charot with harot!
Pero aminin natin, habang tumatanda tayo, nagbabago na rin ang depinisyon natin ng horror. Dati, takot tayong mag-isa sa madilim na kuwarto. Ngayon, takot na tayong mag-check ng presyo ng mga bilihin sa grocery, sumagot sa tawag mula sa unknown number, at makarinig ng “Kumusta?” mula sa taong mangungutang sa atin. Kaya ngayong nalalapit na naman ang Halloween, panahon na para pakawalan ang ating creative juices at mag-isip ng bonggang costume. S’yempre, hindi magpapahuli ang mga main character niyong Kabisyo! Tinanong namin ang ilan sa kanila kung anong costume ang isusuot nila ngayong Halloween. Ang mga sagot nila? Nakakashokot, nakakalurkei, at minsan, parang may pinatatamaan!advertisement
Diego Bandido: Magsusuot ako ng uniform ng taga-BIR!Nicole Hyala: Picture ng dimunyo kong ex. Emeeeee! Titan Gelo: Amerikana at maleta ang outfit ko sa Halloween para sobrang nakakatakot.
Conyo Bicolano: Commitment. ’Yan ang isusuot ko! Oh, ’di ba? Napatakbo ka? Hahaha!
Raqi Terra: Suotin ko ’yung “Nangutang pero ’di na makontak” costume!
Kim Chino: Red flag na lang siguro. ’Yun na ’yung damit ko. Wala nang brip brip! Nakakatakot ’yung mga friendly ngayon, ’pag naging jowa mo, friendly sa lahat! Mga red flag!
Mara Tonee: Singlet kasi mahal na sumali ng fun run ngayon! Nakakatakot magbayad ng reg fee! HAHAHA!
Angkol Dagol: Costume ko gasoline boy dahil nakakatakot na ang presyo ng gas.
Aminin, may mga sagot talagang hindi mo na kailangang pag-isipan nang matagal dahil ramdam mo agad ang takot! Para sa iba, horror ang muling makita ang ex. Para naman sa mga umiiwas sa commitment, sapat na ang salitang “seryosohan” para mag-walk out agad. At para sa mga may utang na hindi na mahagilap, ibang klase ang takot na dala ng isang taong bigla na lang naglalaho!
Pero hindi rin ligtas ang mga bulsa natin sa mga nakakatakot na bagay. Nariyan ang registration fee ng fun run at ang presyo ng gasolina na kayang magbigay ng totoong Halloween vibes sa tuwing sisilip tayo sa wallet. Minsan, hindi mo na kailangan ng multo para kilabutan. Sapat nang makita ang presyo ng mga bilihin o kaya i-follow mo na lang Ang Mga Kwento ng Mahiwagang BOOrnay ng Tambalan sa Spotify, Apple Podcasts, at YouTube!Happy Halloween, Kabisyo! Tandaan, hindi lahat ng nanggo-ghost ay multo. Minsan, may utang lang talaga! HAHAHA! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!

