Hindi nakapagpigil ang OPM band na Gracenote na sumagot sa “harsh comment” ng isang netizen tungkol sa kanila. Sa recent interview ng banda sa Hangover, hinarap nila ang isyung puro na lang daw “covers” ang naaalala sa kanila at wala nang inaabangang original music.
Diretsahang sagot ni Eunice, “surface level” lang daw ang ganitong klaseng comment. “Alam mong hindi siya talaga nakikinig ng Gracenote, eh.”
Dagdag pa niya, hindi biro ang discography ng banda dahil pang-anim na album na nila itong ‘Walang Makakapigil.’ Kaya naman para sa kanila, medyo unfair na bansagan silang cover band lang kung hindi naman daw inalam ang buong record nila. “Hindi ko talaga alam kung paano nila nasasabi ’yung gano’n na hindi naman talaga nila alam. You listen to our songs before you say that,” matapang na pahayag ng lead vocalist.
Inamin naman ng banda na ang hit cover nilang “When I Dream About You” ay naging malaking tulong para makilala sila, pero sana raw ay ’wag doon lang mag-focus ang mga tao. “We see it as an advantage din... pero hindi lang ‘yun yung kanta namin,” paliwanag ng nila.
Sa huli, nanatiling “unstoppable” ang Gracenote at imbes na ma-bad vibes, ginamit nila itong pagkakataon para i-promote ang kanilang newest tracks. Panoorin ang full interview nila sa YouTube channel ng Hangover!

Gracenote, sinupalpal ang netizen na nagsabing puro covers lang sila
