Copyright ©2026 LOVE RADIO
Ginagawa akong katulong ng pamilya ng partner ko - Raqi Terra Secret Files
Ginagawa akong katulong ng pamilya ng partner ko - Raqi Terra Secret Files
August 20, 2026

Dear Raqi Terra,

Itago niyo ako sa pangalang “Glory” at ito po ang aking Secret File. May live-in partner ako at 13 years na kami. Kasama namin sa iisang bubong ang pamilya ng partner ko. Mabait naman sila, pero kahit mabait sila, napapagod ako. Lagpas sa bilang ng mga daliri ang mga taong pinagsisilbihan ko dahil sa pakikisama.

advertisement

Nagsasabi naman ako sa partner ko ng hinaing ko. Okay lang kahit hindi na ako maintindihan ng iba–kahit siya na lang ang makaintindi sa akin. Siya lang naman ‘yung gusto kong makaintindi sa akin eh. Pero parang kahit siya, wala ring magawa para mabago ang sitwasyon namin. Hindi niya kayang pagsabihan ang mga kapatid niya. Kaya araw-araw, DJ Rocky, mas lalo lang akong napapagod.

Sundan ang kuwento ni Glory rito sa Secret Files with Raqi Terra.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...