Copyright ©2026 LOVE RADIO
Fans ni James Reid at ng BINI, may inside joke tungkol sa 'kamukha' ni BINI Aiah sa 'Attention' music video
Fans ni James Reid at ng BINI, may inside joke tungkol sa 'kamukha' ni BINI Aiah sa 'Attention' music video
September 29, 2026

"May kamukha kasi." 'Yan ang nakakalurkei na kantsaw ng ibang BLOOMs at REIDers! Nitong September 26, 2026, kasi nilabas na ng singer-songwriter na si James Reid ang music video ng kaniyang latest singe na pinamagatang 'Attention.' Tulad ng hula ng marami, si BINI Aiah ang leading lady niya rito!

@jamsred soon 👁️ #Attention ♬ original sound - James Reid

Maraming fans ang natuwa sa bonggacious na pasabog na ito, lalo na't dalawang bigating pangalan sa industriya ng OPM ang nagsama para sa music video. Bilang palabiro ang ibang BLOOMs at REIDers, lumitaw sa comment section ng TikTok post ni James Reid ang ilang posts tungkol sa dahilan kung bakit si BINI Aiah ang napili. Sabi ng isang commenter, "Bakit puro [kahawig] ni Mowm 'yung kinukuha [niyang leading lady?]" May mga nagsabi rin na p'wede rin si BINI Colet at BINI Jhoanna dahil "kamukha" rin daw ito ni "Mowm."

Kayo na ang bahalang humusga kung sino ba itong "Mowm" na tinutukoy ng JaDine fans. Charot with harot!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...