Copyright ©2026 LOVE RADIO
Ebe Dancel, magkakaroon ng concert para sa kaniyang 25th anniversary
Ebe Dancel, magkakaroon ng concert para sa kaniyang 25th anniversary
August 26, 2025

Oo nga, kay tagal na nating minamahal at pinakikinggan si Ebe Dancel! Ngayong taon kasi, ipagdiriwang ng OPM singer ang kaniyang 25th year sa pamamagitan ng isang concert. Kasama ang The Manila String Machine, haharanahin niya tayo sa November 15 sa New Frontier Theater.

Noong August 13, nagsimulang mag-post ang singer ng teaser ng kaniyang pinaghahandaang concert. Dinugtungan niya ito ng isang maikling video na may caption na, "May espesyal akong mensahe sa darating na Lunes. Abangan. #EBE25," noong August 22. Agad na dinumog ang comment section na kaniyang fans na excited na sa announcement.

Nagsimula ang celebration na ito noong nakaraang taon pa, Kabisyo, kung saan nagkaroon siya ng 25th anniversary bar tour. Nagsimula ang tour noong March 2024 sa Balcony Music House. "I started my career performing at small bars, and I think it's time to do it again," sabi niya.

Magsisimula ang bentahan ng tickets sa August 30 sa TicketNet website at mga outlet.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...