Copyright ©2026 LOVE RADIO
Earl Agustin, sumikat lang dahil may mga kaboses na sikat na OPM artist?!
Earl Agustin, sumikat lang dahil may mga kaboses na sikat na OPM artist?!
June 21, 2025

Ito na naman po tayo sa mga isyu ng OPM! Hindi na talaga natatahimik ang mga chismosa at basher, ano? HAHAHA!

Bumisita kamakailan si Earl Agustin sa HANGOVER at diretsahan niyang sinagot ang mga isyung ibinabato sa kanya!

advertisement

Itinanong kay Earl kung naaapektuhan raw ba siya tuwing kinukumpara siya sa mga sikat na OPM artist at kung papuri ba talaga ang dating nito sa kanya!

Ilang taon din daw naranasan at idinaing ni Earl ang isyu na ito, at dumaan pa nga raw siya sa tatlong stages: Flattery, Anxiety, at Unbothered.

No’ng una, natutuwa raw siya dahil sino ba naman ang hindi matutuwa kung aakalain kang singer na sobrang sikat? Matapos daw ang stage na ‘yun, nakaramdam naman siya ng anxiety dahil napakaraming tao ang nagsasabi sa kanya ng “Be yourself” na para bang mas kilala pa siya ng mga ito kaysa sa sarili niya.

Ang stage naman niya ngayon ay kawalan ng paki. HAHAHA! Kung sabihan man daw siya na kaboses niya ang isang tao, nagpapasalamat na lang din siya at magpapatuloy sa buhay.

Wapakels na si Earl Agustin dahil alam niya ang kanyang talento at kilalang-kilala niya ang kanyang sarili. PERIODT!

Panooring ang buong interview ni Earl Agustin sa HANGOVER dito:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...