Copyright ©2026 LOVE RADIO
dwta, may 'Anti-Valentines' show ngayong February
dwta, may 'Anti-Valentines' show ngayong February
February 3, 2026

Sino ang mga walang ka-date diyan sa Valentine's? Magsama-sama raw kayo sa isang show! HAHAHA!

Kakantahan na lang daw kayo ng Filipino singer-songwriter na si dwta sa kaniyang show na pinamagatang 'Where Do Broken Hearts Go? Sa Gig ni dwta.' Bongga, 'no?! May lalapagan na ang mga lumilipad niyong puso! HAHAHA!

advertisement

Partida, hindi lang daw siya ang makiki-join sa inyo. Sasamahan siya ng ilan sa mga kilalang singer sa bansa. Kasama sa line up ng performers sina Janine Teñoso, Jan Roberts, Kenaniah, LEYO, at ang bandang shirebound. Makikisaya o makiki-broken hearts din ang Kabisyo nating si Conyo Bicolano (at talagang rumaraket ka pa, ha? Sawi ka rin ba? CHAROT!)

Bukod sa tugtugan, may mga booth din na puwedeng puntahan sa event.

Say ng singer, ang gig na ito ay para sa mga "single" listeners niya. Prepared na rin daw ang mga pang-broken hearted niyang kanta para sa show.

Ang 'Where Do Broken Hearts Go? Sa Gig ni dwta' ay gaganapin sa February 13 sa 123 Block, Mandaluyong City. Available na rin ang tickets kaya gumora na kayo, Kabisyo!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...