Copyright ©2026 LOVE RADIO
Dr. Karen De Asis, pinarangalan ng World Marketing Congress at World Women Leadership Congress
Dr. Karen De Asis, pinarangalan ng World Marketing Congress at World Women Leadership Congress
June 29, 2026

Muling ipinagmalaki ang husay ng Pilipino sa larangan ng marketing at branding matapos makatanggap si Dr. Karen De Asis ng dalawang prestihiyosong international awards mula sa World Marketing Congress at World Women Leadership Congress.

Ginawaran si Dr. De Asis noong June 26 sa ginanap na awarding ceremony sa Dusit Thani Manila, kung saan kinilala siya bilang isa sa 2026 Most Admired Marketing Leaders of the Philippines.

Ito ay bilang pagkilala sa kanyang excellence sa brand management, customer-centric marketing, innovation, at corporate social responsibility.

Bukod dito, natanggap din niya ang Philippines Woman Leaders Award, na nagbibigay-pugay sa mga kababaihang nagpapakita ng resilience, innovation, at transformative leadership.

Dagdag ang mga ito sa kanyang patuloy na koleksyon ng mga pagkilala, kabilang ang 2025 ASEAN Women Entrepreneurs Award bilang kinatawan ng Pilipinas, pati na rin ang iba pang awards para sa kanyang ambag sa marketing education at leadership.

Bilang founder ng MKS Marketing Consulting, mahigit isang dekada nang tinutulungan ni Dr. De Asis ang Filipino family-owned businesses na makabuo ng strong at market-leading brands.

Naniniwala siya na ang tagumpay ng Filipino companies ay hindi lang tungkol sa business growth, kundi pati sa paglikha ng sustainable employment at mas magandang kabuhayan para sa libu-libong pamilyang Pilipino.

Patunay si Dr. Karen De Asis na patuloy na kinikilala sa buong mundo ang galing, dedikasyon, at leadership ng mga Pilipino.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...