DMAP, inilabas na ang keynote speakers at conference tracks para sa DigiCon 2026
Mas magiging interactive at mas collaborative ang
DigiCon 2026!
Inihayag ng Digital Marketing Association of the Philippines (DMAP) ang first batch ng international keynote speakers, conference tracks, at bagong partnership opportunities para sa DigiCon 2026 sa ginanap na press conference noong August 10.
May tema itong “Interoperability: Welcome to the Age of Collaboration,” na nakatuon sa kung paano pwedeng magtulungan ang brands, agencies, platforms, creators, at innovators habang patuloy na nagbabago ang digital marketing landscape.
Ayon kay DMAP Vice President for Internal Affairs at Board Trustee Kit Ramos Disini, mahalaga ang DigiCon bilang venue para magsama-sama ang iba't ibang bahagi ng marketing industry. “The pace of change in marketing has never been faster, and no one organization has all the answers. DigiCon exists to create the space where brands, agencies, platforms, creators, and innovators can learn from one another and build the future together.”

Samantala, sinabi ni DigiCon 2026 Co-Chair Raymund Sison na marami pang announcements ang ilalabas sa mga susunod na buwan. “This is only the beginning of what we'll be unveiling over the coming months. From additional speakers and DigiConX activations to new industry partnerships, we're building a conference that reflects the collaborative future we're asking the industry to embrace.”
Kabilang sa mga unang inanunsyong keynote speakers si Professor Dr. Christian Busch, bestselling author ng Connect the Dots at professor sa University of Southern California at London School of Economics.
Sa kanyang video message, nagbigay si Busch ng preview sa kanyang keynote tungkol sa innovation, meaningful connections, at kung paano pwedeng maging competitive advantage ang serendipity o unexpected opportunities.
Kasama rin sa lineup si Judy John, Global Chief Creative Officer ng Edelman at isa sa award-winning creative leaders sa industriya.
Tatalakayin naman ni John ang kahalagahan ng cross-disciplinary thinking habang patuloy na nagiging interconnected ang audiences, platforms, at technologies.
Ipinakilala rin ng DMAP ang tatlong pangunahing tracks ng DigiCon 2026: Innovation, Impact, at Immersive.
Sa panel discussion na pinangunahan ni Director for Publicity Mori Rodriguez, ibinahagi nina Track Leads Gino Nacianceno, Jordan Santos, at Denise Haak, kasama si DigiConX Co-Director Nikki Sunga, ang ilan sa mga pag-uusapang magiging bahagi ng conference.

Kasama rito ang paggamit ng AI hindi lang bilang trend kundi kung paano ito pwedeng maghatid ng real business value.
Pag-uusapan din ang immersive experiences, cross-sector partnerships, purpose-driven campaigns, at kung paano pwedeng gawing active collaborators ang audiences.
Hindi rin limitado sa keynote sessions at panel discussions ang magiging experience ng delegates.
Magkakaroon kasi ng networking sessions sa community stage, hands-on workshops, at immersive brand activations para mas maraming pagkakataon ang attendees na matuto, makipag-connect, at makipag-collaborate.
Isa sa mga bagong itatampok ngayong taon ang DigiConX, isang nationwide expansion ng DigiCon.
Bago ang main conference, magkakaroon ng satellite pop-ups sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa pakikipagtulungan sa iba't ibang organizations, schools, at brands.
Magkakaroon dito ng talks, panels, at learning sessions na layong ilapit ang mahahalagang industry conversations sa local communities.
Ayon sa DMAP, higit pa sa isang roadshow ang DigiConX dahil layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang local communities na makipag-connect, makipag-collaborate, at maging bahagi ng paghubog sa future ng digital marketing.
Sa pagtatapos ng press conference, inilunsad din ang bagong DigiCon website at inanunsyo ang sponsorship at partnership opportunities.
Gaganapin ang DigiCon 2026 sa October 15–16, 2026, sa Grand Ballroom ng Manila Marriott Hotel.
Para sa tickets, speaker reveals, announcements, at iba pang event updates, maaaring bisitahin ang official DigiCon website at social media channels.
Para naman sa mga interested sa sponsorships at partnerships, maaaring makipag-ugnayan sa DigiCon team sa
[email protected].