Copyright ©2026 LOVE RADIO
DJ Daddy Daks ng Love Radio General Santos, binalikan ang nakakakilabot na karanasan sa lindol na gumiba sa kanilang gusali
DJ Daddy Daks ng Love Radio General Santos, binalikan ang nakakakilabot na karanasan sa lindol na gumiba sa kanilang gusali
July 12, 2026

Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang ordinaryong araw sa trabaho ay mauuwi sa isang bangungot?

Sa Kwento ng Mahiwagang Burnay kasama ang Tambalang Kumikinang na sina Nicole Hyala at Diego Bandido, ibinahagi ni Daddy Daks ng Love Radio General Santos ang nakakikilabot niyang karanasan noong June 8, 2026. Bandang 7:37 ng umaga, biglang niyanig ng napakalakas na lindol ang kanilang lugar. Ayon sa kanya, hindi lang ito basta pagyanig na pakaliwa’t pakanan—parang itinataas at ibinabagsak daw ang buong building, dahilan para matumba sila at halos hindi na makatakbo palabas mula sa ikatlong palapag.

advertisement

Gayunpaman, hindi niya iniwan ang isa nilang technician na nadulas sa hagdan. Sa gitna ng takot at kaguluhan, tinulungan niya itong makatayo at makalabas. Ngunit mas mabigat pa ang sumunod na eksena. Paglabas nila ng gusali, sa harap mismo ng kanyang mga mata, tuluyang gumuho ang Love Radio General Santos building—ang lugar na matagal na niyang itinuring na pangalawang tahanan.

Hindi niya napigilang maiyak habang iniisip ang nawalang opisina, mga personal na gamit, at ang kinabukasan ng kanilang trabaho. Pero sa kabila ng lahat, isang bagay ang higit niyang ipinagpapasalamat: ligtas silang nakalabas. Bukod sa ilang pasa at matinding trauma, wala silang tinamong malubhang pinsala—isang himalang hindi niya kailanman malilimutan. Panoorin ang full video sa aming YouTube channel!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...