Copyright ©2026 LOVE RADIO
December Avenue at The Fray, magsasama sa isang special concert ngayong December
December Avenue at The Fray, magsasama sa isang special concert ngayong December
October 14, 2025

Para namang kulang ang salitang powerhouse kung i-de-describe ang pagsasamang ito, Kabisyo?! Mag-pe-perform ba naman sa iisang stage ang December Avenue at The Fray? Nakakalurkei!

Ang dalawang banda ay magkasamang tutugtog sa 'How To Save A Life 20th Anniversary Concert' sa Smart Araneta Coliseum sa darating na December 12.

advertisement

Ito ang muling pagbabalik ng multi-platinum American band sa Manila matapos ang higit isang dekada. Kilala sila sa mga global hit na 'How To Save A Life' at 'You Found Me.'

Huli silang nag-perform sa bansa noong 2012 at ngayon ay nagbabalik kasama ang December Avenue.

Available na ang ticket sa Ticketnet, Kabisyo!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...