1, 2, 3, go, kaniya-kaniya na ang atake ng dalawang estudyanteng ito! Sa kanilang viral video kasi, naghihintay sila ng masasakyan nang may itim na van na mabilis na pumara sa harap nila. Napaatras sa takot ang dalawa, pero ang totoo, aalukin lang pala sila ng sakay. Nakakalurkei talaga kasi ang bilis din ng takbo ng van!
@brejcrumbs kahit adik matatakot kapag tinigilan ka ng van e #fypシ ♬ original sound - ScarletRed
Comment ng mga Kabisyo natin sa video, kung sila rin daw, eh, matatakot. Usong-uso kasi ang biro na "kukunin ka ng van," isa sa mga panakot noon sa mga bata. May iba ring nag-comment na kung sila naman daw ang nandoon, hihintayin nilang bumukas ang pinto dahil baka pera na ang iabot! Marami na rin kasing content creator na nagpapauso ng "fist bump" trend kung saan binibigyan nila ng pera ang mga taong mag-fi-fist bump sa kanila.

