Copyright ©2026 LOVE RADIO
Dalawang bayawak sa Visayas, nagyakapan!
Dalawang bayawak sa Visayas, nagyakapan!
September 28, 2025

Buti pa bayawak, may kalambingan. Medyo charot with harot!

Kinaaliwan ng netizens ang dalawang bayawak na magkayakap sa University of the Philippines Visayas, Miag‐ao Campus.

advertisement

Ang totoo niyan, ayon sa mga eksperto at obserbasyon, mukha man silang sweet sa ating paningin, nag-wre-wrestling talaga sila.

Ang ganitong pagkakayakap ng mga bayawak ay karaniwan kapag may kompetisyon! P’wedeng dahil sa teritoryo, sa pagkain, o sa kanilang mga jowa! Ang taray! Hahaha! Nakikita rito kung sino ang mas malakas, mas angat, at mas sikat!

Bilang major in kalokohan ang mga Pinoy, nakagawa na sila agad ng istorya sa nagyayakapang bayawak na ito!

Tila nagmukha raw mga korap na pulitikong nagdidiwang sa ninakaw nila. HUEEYYY?!

Habang ang iba naman ay naka-senti mode dahil wala silang kayakapan sa malamig na panahon at daig pa raw sila ng mga hayop.

Lahat na lang talaga pinaghugutan ng kung anu-anong istorya, eh! Hahaha! Bayawak ka man o hindi, narito lang ang Love Radio para yakapin ka parati. Mwa!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...