Copyright ©2026 LOVE RADIO
Dalaga, may “main character” moment sa gitna ng libing
Dalaga, may “main character” moment sa gitna ng libing
August 6, 2026

Karaniwan, mabigat ang pakiramdam kapag lumalabas ng simbahan matapos ang misa bago ang libing, pero sa viral Instagram Reel ng Kabisyo nating si Mary, kabaliktaran ang naging reaksyon ng maraming netizens. Sa halip na malungkot, marami ang napatawa sa hindi inaasahang “main character” moment ng isang dalaga.

Sa video, makikitang papalabas ng simbahan ang mga mahal sa buhay ng yumao matapos ang misa. Isa sa kanila ang isang dalagang una munang tinakpan ang kanyang mukha nang masilaw sa sikat ng araw. Pero nang mapansing may nag-re-record ng video, bigla siyang ngumiti at nagpa-cute sa camera. Ang plot twist? Sa likuran nila ay makikita ang puting kabaong na inihahanda na para sa paghahatid sa sementeryo.

advertisement

Umani rin ng samu't saring nakakatawang komento ang viral clip. Isa sa mga netizens ang nagsabing, “Kasalanan pa namin [’pag] natawa [kami,]” habang biro naman ng isa, ”[Nag-slay sa harap ng na [slayed] 🤪.” May isa pa ngang nagpatawa sa comment section sa pagsasabing, "Ateccooo, [’yung] awrahan mo, pang-same day edit ng wedding video, hindi [lamay!] HAHAHAHA 😭.”

Mukhang hindi naman talaga sinasadya ni Ate na maagaw ang eksena, pero kung may isang aral mang matututuhan sa kanya, ’yon ay puwedeng malungkot, pero hindi ibig sabihin ay pababayaan na ang sarili. Dapat fresh pa rin! May kilala nga kami, luha lang ang skincare. Charot with harot!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...