Copyright ©2026 LOVE RADIO
Conyo Bicolano, sardinas na may miswa lang daw ang kakainin ngayong Holy Week
Conyo Bicolano, sardinas na may miswa lang daw ang kakainin ngayong Holy Week
April 1, 2026

Tuwing dumarating ang Holy Week, kusa tayong napapahinto—may nag-so-social media detox at may nag-re-reflect, may nagbabawas ng ingay at drama sa buhay. ’Yung iba, seryoso sa pagninilay, ’yung iba naman, sinusubukang maging consistent… kahit hanggang day 2 lang. ’Chos!

Pero sa totoo lang, sa dinami-rami ng puwedeng pagnilay-nilayan—love life, career, life decisions—pagkain pa rin talaga ang bumabalik sa isip ng paborito niyong mga Kabisyo. Kahit bawal ang karne, kahit nag-fa-fasting, may part pa rin ng utak na parang, “Sige na nga, ano kayang masarap kainin?” HAHAHA!

Pagpasensyahan niyo na. Fasting kasi sila. Charot with harot! Naisip tuloy naming tanungin: kung sila ang magluluto para sa The Last Supper, ano ang ihahanda nila?

Angkol Dagol: Magluluto ako ng adobong palaka, adobong sawa, at adobing bayawak. Gusto ko exotic since last na rin naman.

Tanya Chinita: Salad and steak lang tayo, Lord.

Conyo Bicolano: Basic! Sardinas na may miswa. Simpleng pagkain, pero napakalakas magpa-relapse dahil maaalala mo sa pagkaing ito ’yung mga pinagdaanan mo bago mo ma-afford kumain sa labas. ’Yung tipong bawat higop mo sa sabaw nito, masasabing mong, “Malayo pa, pero malayo na like super legit and all!”

Diego Bandido: Hmmm... Tingin ko ’yung pinakamasarap na hindi mo makakalimutan dahil sa after taste nito. Magmimistulang nasa high-class five-star fine dining ka. ’Yung hindi pa nasubukan ng karamihan sa mga Pinoy dahil sa tindi ng crisis ngayon at sa taas ng gasolina. Idagdag mo pa ang giyera na nangyayari sa Middle East ngayon, kaya hindi nakakadaan ang mga barko sa Strait of Hormuz. Sa totoo lang, nakakapanghina dahil ang init ng panahon at wala pa ring nakukulong na big fish sa flood control scandal! Walang iba kundi PRITONG UTAK NG DILIS!

Mara Tonee: Roasted chicken para rich in protein!

Kim Chino: Pancit po para long life. Baka ma-extend pa ’yung buhay ko! Eh, ’di, hindi ko na last.

Raqi Terra: Handa ko? Handa na akong ialay ang anak ko para sila na mag-alaga. Hahaha! Charot with harot! S’yempre, lahat ng bawal kasi nga ang bawal, masarap!

Dito natin mapapatunayan na walang pahinga ang mga bunganga ng mga Love Radio DJ—mapa-pagkain man o daldalan. HAHAHA! Napaisip din kami sa sinabi ni Broskie. Paborito rin namin ang sardinas na may miswa lalo na ’pag petsa de peligro. Isama mo pa ’yung noodles na maraming sabaw. EME! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...