Konting kembot na lang, magkakasukatan na naman ng pagmamahal base sa matatanggap sa Araw ng mga Puso. ’Yung mga single d’yan, ’wag na kayong bitter! Isipin niyo na lang, at least hindi na kayo nasi-stress kakaisip, nakatipid pa kayo. Kung bakit ba naman kasi ginawa pang 28 days ang February, eh, pwede namang 13 lang? Charot with harot!
Manahimik na lang tayo sa kani-kaniyang bahay sa araw na ’yan. Hayaan na natin ang mga magjowang ’yan na magsiksikan sa labas. Eme! Sana ’yung mga walang date sa February 14, magka-salary increase man lang this year para naman quits, ano? Hahaha! Alam naming nasa kanila na ang lahat, (wow?!), pero ano kaya ang gustong matanggap ng paborito niyong mga Kabisyo sa Valentine’s Day?
Tanya Chinita: 500K po.
Angkol Dagol: TMAX motorcycle.
Conyo Bicolano: Isa lang ang gusto kong matanggap ngayong Araw ng mga Puso—makulong na ang mga kurakot at tamaan na sila ng konsensya sa mga puso nila.
Diego Bandido: Hmmm... Siguro, bigyan ako ng chance ng asawa ko ng isang day pass na magamit ang ATM ko.
Kim Chino: Pera na lang. Sinasayang lang naman ako ng mga maling tao.
Titan Gelo: Isa lang po gusto ko matanggap—pera para mas masaya ang Valentine’s!
Hindi para sa sarili, hindi para sa jowa, kundi para sa bayan ang hiling ng Uragong Broskie natin. Gano’n dapat! Sa mahal ng mga bilihin at hirap ng buhay ngayon, landi responsibly. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!

Conyo Bicolano, may mala-Kara David na wish ngayong Valentine’s Day?!
