Copyright ©2026 LOVE RADIO
Conyo Bicolano, hindi lang daw phone ang habol kay Ivana Alawi?!
Conyo Bicolano, hindi lang daw phone ang habol kay Ivana Alawi?!
July 23, 2026

Magpasalamat kayo kay Ivana Alawi! Kahit hindi pa kayo nananalo ng cellphone, nagkita-kita naman kayo ng mga kamag-anak at kaibigan mo sa comment section. Hahaha!

Mahirap man o may kaya, kani-kaniyang sipsip sa vlogger sa ngalan ng iPhone 17. Meron pa nga riyan, bumili na ng case para ma-manifest ang pagkakapili sa giveaway.

Mabilis talaga tayong mga Pinoy pagdating sa libre, ’no? Sa katunayan, kahit ang paborito niyong mga Kabisyo, may panawagan kung bakit dapat silang mapabilang sa 100 kataong mabibigyan ng bagong cellphone. ’Chos!

Angkol Dagol: Wala akong pagnanasa sa kanya. Sa iPhone lang!

Tanya Chinita: Oks na ako kasi marami na akong phone pang-iba’t ibang account sa mga lalaki.



Conyo Bicolano: Para mas mapanood ko pa in 4K resolution si Ivana Alawi!!!

Mara Tonee: Para may additional storage ako pang-vlog ng running era ko. Hahaha!

Kim Chino: Sumusuko na ’yung cellphone ko. Ang bagal na! ’Singbagal ng paghanap ko sa tamang tao.

Raqi Terra: Nauubos palagi ang sahod ko sa gas pa lang, kaya wala tuloy akong ipon para sa Pasko. Ibebenta ko ang iPhone 17 para may pamasko sa mga mahal ko sa buhay. Hindi para sa’kin kundi para sa kanila!

Titan Gelo: Para mabigay ko sa estudyante ko na nag-re-request sa’kin ng iPhone 17.

Kung kayo si Ivana Alawi, sino sa tingin niyo ang dasurv mabiyayaan? Ang masasabi lang namin, maurag talaga mambola ang mga Bicolano. Nahihiya lang si Broskie, pero feeling namin, gusto niyang may kasamang photos ni Ivana Alawi ’yung matatanggap niyang iPhone 17. EME! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...