Copyright ©2026 LOVE RADIO
Conyo Bicolano at Kim Chino, dinuga ang mga taga-kabilang istasyon?!
Conyo Bicolano at Kim Chino, dinuga ang mga taga-kabilang istasyon?!
September 1, 2025

Lumabas na ang 2nd part ng Buwan ng Wika Challenge na kinasahan nina Conyo Bicolano at Kim Chino sa YouTube Channel ng Love Radio Manila at sa video na 'to, nagkaalaman na kung sino nga ba talaga ang nanalo sa challenge na 'to!

Kung napanood niyo ang unang video ay makikita niyo kung paano inilampaso ng mga taga-ibang istasyon ang mga manok natin, Kabisyo! HAHAHA! Pero siyempre, hindi tayo papayag na matatapos ang challenge na 'to nang talunan tayo kaya talagang itinaas ng dalawang Kabisyo natin ang bandera ng Love Radio at sa bandang huli ay nakahabol sila ng puntos!

advertisement

Nabansagan pa ngang mandaraya ang mga Kabisyo natin dahil talaga nga namang cinlutch nila ang pagkapanalo, maging proud lang kayo! Bwahaha! Kung sa paanong paraan sila nanalo, eh, kailangan mong alamin 'yan, Kabisyo!

Ang masasabi lang namin, wala talagang dayaang nangyari sa laro na ito...pero landian, meron! HAHAHA! Kayo na ang bahalang humusga kung sa malinis na paraan talaga nakuha nina Kim Chino at Conyo Bicolano ang pagkapanalo!

Para sa marami pang chika at nakakalurkei na balita, siguraduhin mo lang na lagi kang updated sa mga ganap ng Love Radio Manila!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...