Copyright ©2026 LOVE RADIO
Christian Bautista at Mark Bautista, magsasama sa concert ngayong March
Christian Bautista at Mark Bautista, magsasama sa concert ngayong March
February 10, 2026

Parehas ng surname at parehas na talented, hindi nakapagtatakang pinagkakamalan silang magkapatid! HAHAHA!

Ngayon, maririnig na naman natin ang iconic nilang mga boses sa iisang stage. Ngayong March 6 sa New Frontier Theater, magsasama ang Asia's Romantic Balladeer at Pop Heartthrob para sa concert na 'Bautista X Bautista.' Oo na, kayo na Bautista! CHAROT!

advertisement

Spotlight ng show na ito ang career ni Christian, kasama ang kaniyang timeless ballads, recent collaborations, at bagong kanta na regalo niya sa'tin. Sasamahan siya ni Mark sa ilang performances para mas pasabog ang gabi.

Maririnig din sa concert ang bagong single ni Christian na 'Sa'yo Lamang' na ilalabas na ngayong February 25.

Available na ang tickets sa Ticketnet website, Kabisyo, kaya gumora na kayo!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...