advertisement
Kaya naman kahit hindi siya ang reyal na Chris Brown, winner naman si Kuya sa pagbibigay ng good vibes at "world-class" na pampalamig!
Chris Brown look-alike, viral sa pagtitinda ng sherbet
Ito ba ‘yung sinasabi nilang “We have Chris Brown at home?” Charot with harot! Viral kasi ngayon ang isang tindero ng sherbet na mala-Chris Brown ang datingan. Mula sa hairstyle hanggang sa porma, talagang kopya niya!
Bentang-benta sa netizens ang pakulong ito dahil habang naglalako siya, mayro’n pa siyang kaunting sayaw gamit ang mga hit song ng singer. Ang hirit tuloy ng marami, baka ‘di na raw kailangan mag-concert ni Chris Brown sa ‘Pinas dahil mayro’n na tayong "Chris Brown Sherbet!”
