advertisement
Nagtataka lang ako kung bakit ibang tao ang pinapakialaman nila imbes na dapat sumasamba lang sila doon sa church. Nakakasama lang po kasi ng loob dahil ipinagkalat kasi ng isang kong churchmate na buntis daw ako!
Sundan ang kuwento ni Renavie rito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Buntis daw ako sabi ng churchmate kong Marites! - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
Dear Titan Gelo at Raqi Terra,
Itago niyo na lang ako sa pangalang “Renavie,” at ito ang aking Secret File. Nagsimba kami ng husband ko sa isang local church sa lugar namin, pero hindi ko inaasahan na roon ko pa mararanasan sa simbahan ang mga chismis na maririnig ko. May mga churchmate ako na nagma-Marites at ang hilig magkuwento.
