Muling bibisitahin ng magkakapatid na sina Alejandro, Fabian, at Daniel ang kanilang tinatawag na second home para sa Boyce Avenue Valentine’s Tour 2027. Hindi lang isa, kundi apat na lungsod ang kanilang pupuntahan kasama ang OPM artists na sina Angela Ken, Over October at Mariah Deborah. Unang sasalubong ang grupo sa kanilang Filipino fans sa Cagayan de Oro sa February 11 sa The Atrium, Limketkai Mall. Susunod naman ang Davao sa February 13 sa SMX Convention Center, bago ang kanilang Valentine’s Day concert sa Araneta Coliseum sa February 14. Huling stop ng tour ang Cebu sa February 16 sa Waterfront Hotel Ballroom.
advertisement
Kilalang-kilala ang Boyce Avenue dahil sa kanilang acoustic covers at sariling mga awiting siguradong pasok sa playlist ng mga brokenhearted at hopeless romantics. Nagsimula silang mag-post ng music videos sa YouTube noong 2007 at ngayon, mayroon na silang mahigit 6.8 billion views at 16.8 million subscribers. Sila rin ang kinikilalang most-viewed independent band sa buong mundo ayon sa Guinness Book of World Records.
S’yempre, hindi rin pahuhuli ang OPM lineup! Makakasama nila si Angela Ken, na sumikat sa kantang “Ako Naman Muna”, kasama ang mga fan-favorite niyang “It's Okay Not To Be Okay” at “Pansinin Mo Naman Ako.”
Nandiyan din ang indie pop-rock band na Over October, na kilala sa mga kantang “Ikot,” “Wait,” at “123.” Kasama rin ang rising singer-songwriter na si Mariah Deborah, na nagpasikat sa viral hit na “Na Para Bang!”Kaya kung naghahanap kayo ng perfect concert date kasama ang inyong special someone, o kaya naman bonding session kasama ang barkada, mukhang magandang idea ito! Asahan ang gabi ng paboritong love songs, acoustic covers, at OPM hits na siguradong sabay-sabay nating kakantahin.
Mark your calendars dahil magsisimula ang ticket selling sa November 28, 2026, Saturday, at 12 noon.
Para sa Manila show, puwedeng bumili ng tickets sa TicketNet.com.ph at TicketNet outlets. Para naman sa Cagayan de Oro, Davao at Cebu shows, available ang tickets sa Ticketmelon.com.
Kaya mga Kabisyo, ready na ba kayong kiligin at maki-sing along? Mukhang maraming hugot ang mabubuhay ulit sa concert na ito!

