Copyright ©2026 LOVE RADIO
Boss Toyo, ni-reveal kung gaano na raw siya kayaman! | TITAMAX EPISODE 7
Boss Toyo, ni-reveal kung gaano na raw siya kayaman! | TITAMAX EPISODE 7
September 26, 2025

Isa ito sa pinakinaabangan niyong guest ng Titamax at dahil malakas kayo sa'min, ito na agad-agad! Boss Toyo in da haus, Kabisyo! Sure naman kaming napanood niyo na ang collab video nila ng ating Pambansang Titamax at dahil natuwa sila sa isa't isa, agad na nila 'tong sinundan para sa inyo! Spoiled yarnch!?

Nagkatanungan agad sina Tita Tanya at Boss Toyo kung saan ba galing ang kanilang mga pangalan. To their surprise, (TO THEIR SUPRISE!?), pareho pa lang galing sa fans 'yung mga bansag sa kanila! Chika nila, dapat pakinggan mo 'yung mga nakasuporta sa'yo kasi minsan, mas kilala ka pa nila kaysa sa'yo. SABE?!

advertisement

Hindi rin naiwasan itanong ng ating Titamax kung gaano na ba talaga kayaman ang isang Boss Toyo! Very humble ang atake ni Boss Toyo nang sabihin niyang hindi pa raw siya mayaman, financially stable lang daw siya. Mas gusto niya raw kasing pinapaikot 'yung pera niya sa iba't ibang negosyo. Ganurnt!

Sinegue na agad ni Tita Tanya ang ating Titamax Confession na tungkol sa isang lalaki na nahuli raw ang kanyang jowa na nakipagbembangan sa kanyang officemate! Ang twist dito ay feeling daw niya, kaya ito nagawa ng partner niya kasi nahuli rin daw siya na nangaliwa! Aba, bawian lang pala 'to, eh! 🤣

Of course, Titamax episode ba 'to kung walang Tough 5 Questions si Tanya Chinita? 🤪 'Di pinalampas ni Tita Tanya na gisahin ang nag-iisang Boss Toyo na buong loob na sumagot tungkol sa mga temptasyon ng mga lalaki! HUUUY!

If gusto mong malaman kung anong naging insight (INSIGHT?!) ni Boss T sa ating Titamax Confession, pakinggan mo na 'tong episode na 'to rito:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...