Copyright ©2026 LOVE RADIO
BINI, wagi bilang Favorite Global Music Star sa 2026 Kids’ Choice Awards
BINI, wagi bilang Favorite Global Music Star sa 2026 Kids’ Choice Awards
November 17, 2026

Pang-32 na kilig na talaga 'to dahil sa paghahakot ng awards ng BINI. Charot with harot! Isa na naman kasing international milestone ang naitala ng BINI matapos masungkit ang Favorite Global Music Star award sa 2026 Nickelodeon Kids’ Choice Awards!

advertisement

Ang pinakanakakalurkei rito, tinalo ng Nation’s Girl Group ang ilang big international names tulad nina Taylor Swift, Olivia Dean, Tyla, Zara Larsson, Karol G, at Tame Impala para makuha ang inaabangang award! Sila rin ang kauna-unahang Filipino at non-Korean act na kumatawan sa Asia at nagwagi sa kategoryang ito.

Patunay lang na hindi na lang Pilipinas ang naaabot ng musika ng walo dahil unti-unti na rin silang kinikilala sa international music scene. Pasabog!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...