advertisement
Makakasabayan ng 'Nation's Girl Group' ang international artists na sina Taylor Swift, Zara Larsson, Olivia Dean, Tyla, Karol G, at Tame Impala. Pasabog, 'di ba? Kaya naman tuwang-tuwa ang OPM fans dahil isa itong malaking karangalan 'di lang para sa grupo, kun'di para rin sa Pilipinas bilang representative ng Asia.
Siyempre, bilang suporta, todo-kayod ngayon ang BLOOMs sa pagpapaboto! Nagsanib-pwersa na ang BLOOMs Philippines at ang BINI Streaming and Voting team para magtuloy-tuloy ang pasok ng mga boto sa BINI. Bonggacious talaga kayo!

BINI, nominado bilang 'Favorite Global Music Star' sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2026
'Di pa man sigurado ang panalo, parang champion na tayo! Nominado ang BINI sa 'Favorite Global Music Star' category ng Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2026. Sila ang kauna-unahang Filipino act na nominado sa category na ito.
